Sunday, May 5, 2024

Andanar dinepensahan ang NPO sa umano’y subcontracting

- Advertisement -

Dinipensahan ni Communications Sec. Martin Andanar ang National Printing Office (NPO), sa umano’y ‘subcontracting’ sa pag-imprenta ng voter’s information sheet.

Ito ang naging pahayag ni Andanar matapos kuwestiyunin ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang pag-imprenta ng npo ng voter’s info. sheet, nitong nakalipas na halalan.

Ayon kay Andanar, hindi mag-iimprenta ang NPO, kung wala itong go signal ng Comelec.

Aniya, sumusunod lamang ang NPO, sa anumang kautusan ng Comelec.

Kasabay nito, sinabi rin ni Andanar na dapat makipag-ugnayan si Guanzon sa iba pang Comelec commissioner, patungkol sa nasabing isyu.

Samantala, tiniyak naman ni Guanzon na papatawan ng kaukulang parusa ang npo sakaling mapatunyan na lumabag ito sa regulasyon ng Commission on Audit (COA).

—-
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img