NCRPO handa na sa darating na SEA Games

0
20

Handang handa na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa 30th Southeast Asian (SEA) Sames.

Ayon kay NCRPO acting Director Police Brig. Gen. Debold Sinas, nasa 10,000 mga pulis ang kanilang ipakakalat para magbantay at panatilihin ang peace and order sa mga sports venue, pasyalan at malls sa NCR.

Pagtitiyak din ni Sinas, paiigtingin nila ang pagpapatupad ng seguridad kahit na wala silang namomonitor na anumang banta sa SEA Games.

Sapat din aniya ang kanilang itatalagang mga tauhan kaya wala nang augmentation o pagdadagdag ng mga pulis.

Una nang binuksan ng NCRPO ang hotline para sa SEA Games kung saan maaaring tumawag at magpadala ng text message  ang publiko sakaling meron silang mga katanungan o concern.