Duterte hindi pa nakapagde-desisyon sa panukalang ‘4 day work week’

0
13

Hindi pa napagpapasiyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang gawing 4 na araw na lamang ang pasok sa trabaho o ang tinatawag na ‘4 day work week’.

Ayon kay Pangulong Duterte, kinakailangan niya munang talakayin ang panukala sa kanyang mga gabinete bago magdesisyon hinggil dito.

Partikular na kanyang kakausapin ay si Labor Secretary Silvestre Bello III.

Magugunitang, isinusulong ni House Minority Leader Benny Abante Jr. ang pagpapatupad ng 4 day work week para makatulong maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada tulad ng EDSA.

Iginiit din ni Abante na naging epektibo ang naturang working scheme sa Microsoft Japan kung saan tumaas ng hanggang 50% ang productivity ng mga manggagawa sa nabanggit na kumpanya.