NCRPO chief nag-inspeksyon sa Manila North Cemetery

0
16

Nagkasa ng inspeskyon si National Capital Region Police Office (NCRPO) Brig. Gen. Debold Sinas sa Manila North Cemetery ngayong umaga, Oktubre 31.

Ayon kay Sinas, 540 na ang mga pulis na nakatalaga ngayong araw sa Manila North Cemetery para tiyakin ang seguridad ng mga tao.

Aniya, asahan pang mas madaragdagan ang mga kapulisan sa buong Metro Manila nang hanggang higit sa 4,400 kasabay ng pagdagsa ng publiko sa darating na Nobyembre 1 at November 2.

Samantala, inaasahan naman ng Manila Police District na mas marami ang taong dadalaw ngayon sa Manila North Cemetery kumpara noong nakaraang taon.


NCRPO walang nakikitang banta sa seguridad sa Undas

Walang nakikitang banta sa seguridad ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa darating na Undas.

Ito ay inihayag ni NCRPO Brig. Gen. Debold Sinas, matapos itong magkasa ng inspeksyon sa Manila North Cemetery kasama si Manila Mayor Isko Moreno kaninang umaga.

Ayon pa kay Sinas, nasa 250 hanggang 300 kapulisan ang ipinakakalat sa kada distrito para tiyakin ang seguridad ng mga tao.

Aniya, asahan pang mas madaragdagan ang mga kapulisan sa buong Metro Manila nang hanggang higit sa 4,400 kasabay ng pagdagsa ng publiko sa darating na Nobyembre 1 at 2.

Samantala, nagpapasalamat rin ang hepe ng NCRPO sa alkalde ng Maynila sa pagpapa-alis nito sa mga informal settlers na siyang nagpagaan naman sa mga trabaho ng mga pulis.