Sunday, May 5, 2024

Tulong sa mga informal settlers na inalis sa Manila North Cemetery tiniyak ni Isko

- Advertisement -

Tiniyak ni Manila City Mayor Isko Moreno na tutulungan ng pamahalaan ang mga informal settlers na inalis at aalisin pa lamang sa Manila North Cemetery.

Ito ang binigyang diin ni Moreno kasabay nang isinagawa nilang pag-iinspeksyon sa mga libingan kasama si NCRPO Chief Brig. Gen. Debold Sinas, kung saan sinabi ni Moreno na halos dalawang dekada nang libre at ilegal na naninirahan sa sementeryo ang maraming pamilya.

Ayon kay Moreno, ang Manila North Cemetery ay himlayan ng mga yumao at bilang respeto sa mga nasawi at sa mga pamilya nito ay marapat lamang na hindi ito gawing tirahan ng publiko.

Kasabay nito, sinabi rin ni Moreno na handa ang pamahalaan na tulungan ang mga informal settlers na maka-uwi sa kani-kanilang mga lalawigan.

Dagdag pa ng alkalde, ang mga naalis sa Manila North Cemetery at mga maaalis pa ay makatatanggap ng tulong-pinansiyal para maka-uwi sa probinsya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img