Sunday, May 5, 2024

NCAA season 95 suspendido

- Advertisement -

 

Suspendido na ang lahat ng sporting event para sa season 95 ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) bunsod ng outbreak ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay NCAA management committee chairman Peter Cayco, nagpasiya silang suspendihin ang lahat ng aktibidad sa NCAA alinsunod na rin sa ipinalabas ng guidance ng Department of Education (DOH).

Gayundin ng deklarasyon ng red alert sub level 1 ng DOH.

Iginiit ni Cayco, pangunahin nilang iniisip ang kapakanan at kaligtasan ng mga estudyante, manlalaro, mga fans at opisyal ng ncaa.

Dagdag ni Cayco, nakatakda rin silang magpulong muli para talakayin kung gagawing indefinite ang pagkaka-antala sa lahat ng laro para sa NCAA o kanila lang kakanselahin ang mga aktibidad para dito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img