COVID-19 bilang isang ‘pandemic threat’ ibinabala ng WHO

0
25

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) laban sa banta ng pagiging ganap nang pandemic ng outbreak ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, mabilis ang pagkalat ng COVID-19 sa buong panig mundo mula Asia, Europe at Amerika.

Gayunman binigyang diin ni Ghebreyesus na kaya pa ring makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Aniya, ang nabanggit na virus ang magiging kauna-unahan sa kasaysayan bilang pandemic na maaaring mapigil.

Batay sa pinakahuling datos pumapalo na sa mahigit 113,000 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19  mula sa 101 na mga bansa at teritoryo.

Mahigit 80,700 sa nabanggit na bilang ay naitala sa China kung saan higit 3,000 na ang nasawi.

Pumapangalawa ang Italy na merong mahigit 9,000 kaso at 463 nasawi, Iran na may 7,100 mga kaso at mahigit 200 nasawi.

Sinusundan ng South Korea na may mahigit 7,000 kaso at 51 namatay at France na may 1,601 kaso at dalawang nasawi.