NBI at PNP nagsanib pwersa upang tuluyan nang maipasara ang Kapa

0
47

Siniguro ng National Bureau of Investigation o NBI at PNP-Criminal Investigation and Detection Group CIDG sa Region 10 na magkakasa na sila ng operasyon kasunod ng naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isara na ang Kapa Community Ministry International Inc. o kabus padatoon ni Pastor Joel Apolinario.

Ayon kay NBI-10 Regional Director Atty. Patricio Bernales Jr., nakakasa na umano ang kanilang mga plano para maisakatuparan ang ibinabang order ng pangulo laban sa Kapa.

Sinabi naman ni Regional Director P/Lt. Col. Reymund Liguden ng CIDG 10, hindi pa man nagbibigay ng direktiba si Pangulong Duterte ay may mga isinasagawa na silang case build-up hinggil dito.

Binigyang-diin naman ni Liguden na hindi lang sa NBI at Securities and Exchange Commission sila makikipag-ugnayan kundi maging sa mga lokal na pamahalaan upang tuluyan nang mapasara ang nasabing organisasyon.