8 patay 35 sugatan sa isang aksidente sa Camarines Sur

0
56

Nasawi ang 8 katao habang sugatan ang nasa 35 iba pa makaraang maaksidente ang sinasakyan nilang truck sa may bahagi ng Brgy. Tagpocol, San Fernando, Camarines Sur.

Ayon sa PNP-San Fernando, binabaybay ng truck ang nabanggit na lugar nang bigla na lamang mawalan ng kontrol sa pababang parte ng kalsada ang drayber na si Mario Jacobo na nagresulta sa madugong aksidente.

Agad namang binawian ng buhay ang limang biktima habang ang tatlo ay idineklarang dead on arrival sa pagamutan.

Dinala din sa ospital ang iba pang sugatan at patuloy ngayong minomonitor ang kanilang kalagayan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.