National ID pabor lalo sa mga OFW

0
65

Target ng pamahalaan na makapagpalabas ng may isang milyong bagong Philippine National ID o identification cards bago matapos ang taong ito.

Iyan ang inihayag ni Laguna Rep. Sol Aragones makaraang lagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang PHILSYS o Philippine Identification Systems Act kamakailan.

Kasunod niyan, tiniyak ng Malakanyang na pakikinabangan din ng mga OFW o Overseas Filipino Workers ang ipinasang batas na nagtatakda para sa pagkakaroon ng national id ng mga Pilipino.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, tulad ng sa pangkaraniwang mga mamamayan, mapabibilis din ng national ID ang pagpoproseso sa mga dokumento ng mga OFW’s nang hindi na kailangang magpakita pa ng iba’t ibang mga ID cards.