32.4 C
Manila
Wednesday, June 7, 2023

Natagpuan plantasyon ng Marijuana na nagkakahalaga ng P2.5-M, binunot sa Kibungan, Benguet

- Advertisement -

(Baguio City – Kibungan, Benguet) Matagumpay na isinagawa ang magkatuwang na marijuana eradication operation sa pamamagitan ng Kibungan Municipal Police Station at mga tauhan ng munisipio.

Ito ay naging sanhi ng pagkabunot ng tanim na Marijuana at pagdiskubre ng pinatuyong Marijuana tangkay at mga bunga nito.

Aabot sa P2,539,000 ang kabuuang halaga ng nabunot at natagpuan na illegal na druga. Ang mga nasabing tanim ay nagmula sa Sitio Lingey at Pakak, Tacadang. Agad namang sinunog ng mga maykapangyarihan ang Marijuana matapos maidokumento ito. Patuloy ang imbestigasyon ng Kibungan Municipal Police Station upang makilala ang nasa lingkod ng naturang illegal na pananim. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Photo Credit to PPO Benguet

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -