Nasa likod ng halos 7-B pisong halaga ng shabu na ipinuslit sa Pilipinas tukoy na ng PDEA

0
55

Tinukoy ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang “golden triangle syndicate”, na nag- ooperate sa Asya na nasa likod ng halos pitong bilyong pisong shabu shipment na nakapasok sa Pilipinas.

Batay sa hawak na impormasyon ng PDEA, nagmula sa Taiwan ang isang toneladang shabu at ginawang transhipment point ang Malaysia.

Una rito, nadatnan ng PDEA sa kanila sanang isasagawang raid na wala nang laman ang apat na magnetic filters na nasa abandonadong warehouse sa General Mariano Alvarez sa Cavite.

Nababahala naman si PDEA Director General Aaron Aquino na maipakalat ang drogang laman ng magnetic lifters sa iba’t-ibang panig ng bansa.