Balangiga bells isasauli na ng Estados Unidos sa Pilipinas

0
42

Kinumpirma ng US Embassy sa Maynila ang intensyon ng US Defense Department na ibalik sa Pilipinas ang Balangiga bells.

Ayon Kay Trude Raizen, Deputy Press Attaché ng US Embassy, ipinagbigay-alam na ni Defense Secretary James Mattis sa US Congress ang kanilang kahandaang ibalik ang mga kampanang mahigit isa’t kalahating siglo na ang edad.

Gayunman, wala anyang ibinigay na eksaktong petsa kung kailan maibabalik ang Balangiga bells.

Kabilang ang mga nasabing kampana sa tinangay ng mga sundalong Amerikano bilang war trophies mula sa simbahan ng Balangiga, Eastern Samar sa kasagsagan ng Philippine-American war noong 1901.

Magugunitang maka-ilang beses iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa US government na ibalik ang makasaysayang Balangiga bells.