Nasa 89,722 katao inilikas dahil sa bagyong ‘Tisoy’

0
29

Tinatayang nasa 89,722 nang indibidwal ang ipinalikas sa Region 5, Region 8, CALABARZON at MIMAROPA dahil sa bagyong ‘Tisoy’.

Batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Region 5 ang may pinakamataas na bilang ng evacuees na nasa 83, 709 na katao.

Samantala, naghanda naman ang NDRRMC ng mahigit 500 milyong pisong pondo para sa posibleng pananalasa ng bagyong ‘Tisoy’.