Sunday, May 5, 2024

Napoles hiniling sa Sandiganbayan na payagan siyang manatili sa BJMP

- Advertisement -

Hiniling ng umano’y utak  sa  pork barrel fund scam  at negosyanteng si Janet Napoles sa Sandiganbayan na payagan siyang manatili sa Bureau of Jail Management and Penology-Female Dormitory sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ito’y makaraang hatulang guilty ng 1st division ng Sandiganbayan si Napoles at Richard Cambe, dating chief of staff ni dating Senador Bong Revilla Jr., sa kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam.

Matapos ang promulgation, ipinag-utos ng korte ang paglipat sa tinaguriang PDAF scam queen sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Gayunman, naghain ng very urgent motion for reconsideration si Atty. Erwin Legaspi, abogado ni Napoles, upang hilinging manatili ang kanyang kliyente sa BJMP dahil hindi pa naman pinal ang hatol.

Ipinunto rin ni Legaspi ang banta sa buhay at seguridad ng akusado kapag inilipat ito ng koreksyonal.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img