28.7 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Napaulat na pagpapalit ng Customs chief ikinagulat ni Guerrero

- Advertisement -

Nagulat at nagtaka si Customs Chief Rey Guerrero sa napaulat na papalitan na siya sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Guerrero, hindi niya alam na nais na siyang palitan sa pwesto ngunit kanya namang nirerespeto na kahit anong oras ay maaari siyang palitan ng kanyang appointing authority.

Sinabi naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez, ilang beses na nito nakaharap ang pangulo ngunit wala naman itong nabanggit na papalitan niya ang pinuno ng Customs.

Samantala, inalok umano ni Pangulong Duterte si Special Envoy to China na si William De Jesus Lima bilang Customs chief.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -