30.2 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Apektadong mga Pinoy sa tensyon sa US, Iran patuloy ang pakikipag-ugnayan — Lorenzana

- Advertisement -

Tuloy ang pagpapadala ng pamahalaan ng puwersa militar sa gitnang silangan.

Ito mismo ang tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa gitna ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Ayon kay Lorenzana, mananatiling epektibo ang mandatory repatriation  sa Overseas Filipino Workers (OFW) na nasa Iran, Libya at Lebanon na nais nang umuwi sa bansa upang hindi na maipit pa sa kaguluhan doon.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Lorenzana na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of National Defense (DND) sa mga kaukulang ahensiya upang mabigyang ng sapat na tulong ang mga apektadong Pinoy.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -