Nangyaring pamamaril sa Texas iniimbestigahan na

Nangyaring pamamaril sa Texas iniimbestigahan na

by Powered by DWIZ
31 views

Iniimbestigahan na ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang nangyaring pamamaril ng isang lalaki sa Naval Air Station Corpus Christi sa Texas.

Ayon sa US Navy, sugatan ang isang miyembro ng naval security forces dahil sa nangyaring pamamaril.

Agad naman itong naitakbo sa ospital, at ngayo’y nasa mabuti na itong kalagayan.

Samantala, mananatili namang sarado ang pasilidad habang iniimbestigahan ang insidente.

Ang naval air station corpus christo ay isang naval pilot training sa Texas, U.S.A.

0 comment

Related Posts