Bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng cyclone Amphan sa India, Bangladesh umabot na sa 82

Bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng cyclone Amphan sa India, Bangladesh umabot na sa 82

by Powered by DWIZ
26 views

Sumampa na sa 82 ang bilang ng nasawi sa India at Bangladesh dahil sa pananalasa ng cyclone Amphan.

Ayon kay Indian state of west Bengal Chief Minister Mamata Benerjee, nasa 72 indibidwal naman ang nananatiling nawawala.

Aniya, kanila lamang malalaman ang buong bilang ng casualties at pinsalang naidulot ng bagyong Amphan oras na maibalik ang linya ng komunikasyon at kuryente.

Samantala, sinabi naman ng Indian weather office na humina na ang bagyong Amphan matapos itong magland fall.

Anila, kanila ring inaasahang bababa nalamang ito sa isang tropical depression habang tumatawid sa Bangladesh.

Sa ngayon, nasa mahigit 5-M kabayahan ang nananatiling walang kuryente sa India at Bangladesh.

0 comment

Related Posts