Nangyaring pagpatay sa 9 magsasaka sa Sagay City mariing kinondena ni Sen. Nancy

0
46

Mariing kinondena ni Senador Nancy Binay ang nangyaring pagpatay sa siyam na magsasaka ng tubo sa Sagay City, Negros Occidental.

Ayon kay Binay, hindi katanggap-tanggap at sobrang nakagagalit ang pangyayari lalo’t apat sa mga biktima ay pawang mga babae at dalawa ang menor de edad na pinagbabaril at sinunog pa.

Aniya, walang puwang sa isang sibilisadong lipunan na tulad sa Pilipinas ang ganitong klase ng karahasan.

Kasabay nito, nanawagan si Binay sa Philippine National Police at iba pang law enforcement agency na agarang umaksyon para mapanagot ang mga nasa likod ng karumal-dumal na masaker.

(with report from Cely Ortega- Bueno)