DAR bumuo na ng special task force na mag iimbestiga sa Sagay 9

0
47

Bumuo na ng special task force ang DAR o Department of Agrarian Reform katuwang ang militar at pulisya para imbestigahan ang nangyaring pagmasaker sa siyam na magsasaka ng tubo sa Sagay City, Negros Occidental.

Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, nakatakdang tumulak patungong Sagay City ang binuong task force para tignan ang sitwasyon sa lugar at makapangalap ng mga karagdagang ebidensiya at salaysay mula sa mga saksi.

Kasabay ng mariing pagkondena sa insidente, pinabulaanan ni Castriciones ang akusasyon ng mga militante na ang mga unipormadong tauhan ng pamahalaan ang nasa likod ng naturang pag-atake.

Samantala, sinabi ni DAR Undersecretary David Erro kabilang sa kukumpirmahin ng task group ang impormasyong ang break away group ng NPA na Revolutionary Proletarian Army o RPA ang nasa likod ng insidente.