Nanawagan si Police Brig. General David K. Peredo Jr. sa pamunuan ng Baguio City Police Office at police substations 1 hangang 11 na kanilang ipagpatuloy ang kanilang trabaho

    0
    28

    La Trinidad, Benguet – Ayon kay PRO-Cor Chief, Pagsilbihan natin ang ating mga kababayan ng may respeto at bilang pagtugon natin sa programa ng ating butihing Chief, PNP at Presidente.

    Anya sa ating mga kapulisan nakasalalay ang kaayusan at katahimikan ng ating Kommunidad at ang selebrasyon ng Panagbenga. Bilang karagdagan, sinabi ni Peredo na sa serbisyong nagkakaisa, walang mabigat at mahirap na trabaho lalo na kung tulong-tulong tayo.

    Ang kanyang panawagan ay kanyang sinabi sa kanyang pagbisita sa Baguio City Police Office headquarters na kung saan ay nagsagawa siya ng isang command conference sa BCPO Kapanalig Hall, Abanao Street, lungsod ng Baguio noong lunes Febrero a 12 ng taong ito.

    Ang naturang pagpupulong ay dinaluhan din nila Deputy Regional Director for Administration, PB Gen Patrick Joseph G Allan; ang Deputy Regional Director for Operations, PCOL Elmer Ragay; ang mga hepe ng Regional Staff, na sila Police COL Julio S. Lizardo; BCPO City Director, PCOL Francisco B. Bulwayan, Jr; at maging ng BCPO Command Group at Staff; at ang mga Station Commanders ng police substations 1 hanggang 10.

    Nagpahayag din ng kumpiyansa ang Regional Director ng PRO-COR sa kahandaan na inilalatag ng Baguio City Police Office para sa Panagbenga 2024. Sinabi ni Paredo na siya ay naniniwala na sa ilalim ng pamumuno ni City Director PCOL Francisco B. Bulwayan, Jr., na magtatagumpay ang isang buwan pagdiririwang nito sa pamamagitan ng aktibong pagsali at pakikipagtulungan ng lahat kasama dito ang nasa larangan ng turismo.

    Napag-usapan din sa nasabing pangpupulong ang mga updates sa Panagbenga 2024, Spring Festival, PMA Alumni Homecoming, Crime Statistics for CY 2023, ang 9 Point Agenda Accomplishment for Current Year 2023, at ang mga paraan upang masugpo ang mga krimen. (Joel Cervantes| Jimmy Bernabe, Baguio City Police Office)

    Leave a Reply