Namatay sa banggaan ng Van at jeep umabot na labin-isa!

0
75

Umabot na sa labing-isa ang namatay sa nangyaring salpukan ng isang utility van vehicle at pampasaherong jeep sa Bgry. Batomelong General Santos City, alas 3:35 ng hapon kahapon October 22, 2018.

Ayon sa impormasyon, papunta sana sa malungon sarangani province ng pumutok umano ng di inaasahan ang gulong ng van at sumalpok sa kasalubong nitong jeep na galing sa Sta. Cruz Davao Del Sur at papunta sana sa lungsod ng Gensan dahil sa lakas ng ulan at madulas na daan ito din ang isa rin sa naging sanhi para mawalan ng kontol ang sasakyan na tuluyang sumalpok sa kasalubong na jeep.

Dead on arrival ang walong biktima ng aksidente habang tatlo naman ang sunod na binawian ng buhay samantalang patuloy naman ang ginagawang pagbabantay sa kondisyon ng iba pang mga biktima sa nangyaring aksidente sa mga ospital na pinagdalhan ng mga ito.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina:

1) Estrella Entero Decenorio – 7 mos. Old

2) Ricardo Entero Decenorio- 3 yrs old

3) Zyrex Entero- 2 yrs old

4) Aiza Mae Entero residente ng Malungon (admitted Socsargen)

5) Ricardo Calmorin residente ng Butuan

6) Adelayda Calmorin residente ng Butuan

7) Maria Entero (Malungon)

8)Rosario Aquino –residente ng Butuan

9) Merenie Entero Decenorio- Malungon

10) Dominador Calub ( drayber ng Jeep)

11) Eduardo Roque – Davao Del Sur

 

Batay naman sa pahayag ni Pol. Chief Insp. Yol Hilado hepe ng Tinagacan Police Station, kinilala nito ang drabber ng van na si James Entero habang ang drayber ng jeep ay kinilala na si Dominador Calob. Sa kasalukuyan, isa na ang naiulat na namatay sa isa sa mga pasahero ng Public Utility Jeepney at karamihan sa mga nasawi ay mula sa halos mawasak na UV Express Van, ayon naman sa salaysay ng Local Disaster Risk Reduction Management Office Head Staff na si Mai Mosquera, hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin nakaantabay sa mga ospital na pinagdalhan ng mga biktima ng aksidente ang ilang mga tauhan ng local government ng Malungon upang magbigay ng tulong sa mga nasawi at nasugtan.

Leave a Reply