Mga alkaldeng may banta sa buhay bibigyang seguridad—Palasyo

0
44

Tiniyak ng Malacañang na bibigyang seguridad ang mga alkalde na may banta sa buhay sa 2019 elections.

Sa talumpati ng Pangulo sa League Municipalities of the Philippines Luzon Island Cluster Conference, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan ng tig-dalawang uniformed security personnel ang mga alkaldeng may banta sa seguridad.

Marapat lang aniya na mabigyang seguridad ang mga ito para maayos na magampanan ang kanilang mga tungkulin.

Kasabay nito, muling binantaan ng Pangulo ang mga mayor na huwag pumasok sa operasyon ng iligal na droga.

—-