Naka-ambang ATM fee hike binatikos

0
55

Umani ng batikos mula sa mga konresista ang naka-ambang na pagtaas ng ATM fees sa 50%.

Ito ay kaugnay ng inilabas na memorandum order ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nagtatanggal sa moratorium ng dagdag-singil sa mga ATM fees.

Ayon kay Surigao Del Sur Rep. Johnny Pimentel, kailangang isaalang-alang ng mga bangko na ang perang wini-withdraw mula sa kanilang ATM ay pera na kanilang hiniram mula sa mga depositors na una namang nagbayad ng fees sa kanila.

Nabatid na kung maipatutupad ang hirit ng mga bangko na  50% charge sa bawat transaksiyon ay papalo sa P15.00 hanggang P30.00 na inter-withdrawal charge na dating nasa P10.00 lamang.

Samantala, muli namang inihain nina Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate at Ferdinand Gaite ang House Bill 2105 na naglalayong magtakda ng standard rate sa standard fees at charges sa mga automated teller machines.