Millennials PH nanawagan sa COMELEC na i-disqualify na ang Duterte Youth partylist

0
57

Nanawagan ang grupong Millennials PH sa Commission on Elections (COMELEC) na tuluyan nang i-disqualify ang Duterte Youth partylist sa susunod na eleksyon.

Ito ay matapos gawing first nominee ng party list si Ronald Cardema kahit hindi na ito kwalipikado.

Ayon sa tagapagsalita ng Millennials PH na si Aunell Ross Angcos, isinusulong nila ang kanselasyon ng sertipikasyon bilang partylist ng grupo dahil dito.

Aniya, isa umano itong “election related crime” at dapat panagutan ito ng mga namumuno ng naturang partylist.

Matatandaang sinabi ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na maaaring makansela ang rehistrasyon ng partylist dahil sa naturang insidente.