2 cabinet members ni Duterte iniimbestigahan – PACC commissioner

0
58

Iniimbestigahan na ng Presidential Anti-Corruption Commssion (PACC) ang dalawang miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito mismo ang kinumpirma ni PACC Commissioner Greco Belgica kung saan ang mga naturang cabinet secretary ay sangkot umano sa korapsiyon.

Gayunman, hindi muna pinangalanan ni Belgica ang mga naturang miyembro ng gabinete.

Paliwanag ni Belgica, kapwa incumbent and dalawa, at inumpisahan na ang imbestigasyon laban sa mga ito noon pang Pebrero.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Belgica na sa oras na matapos ang kanilang imbestigasyon isusumite nila agad kay Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng kanilang pagsisiyasat.