Naitalang pasahero sa NAIA pumalo na sa mahigit 70,000 bago sumapit ang Semana Santa

0
41

Pumalo na sa mahigit 70,000 pasahero ang naitala ng NAIA o Ninoy Aquino International Airport bago pa man sumapit ang holy week.

Ito’y ayon kay Manila International Airport Authority o MIAA General Manager Ed Monreal kung saan inaasahan pang lumobo ang bilang ng mga pasahero pagdating ng Miyerkules at Huwebes Santo.

Aniya, bagaman libu-libong pasahero ang inaasahang lumabas at pumasok sa bansa ay naka handa naman ang mga otoridad sa paliparan na tiyakin ang seguridad ng publiko.

Kaugnay nito, ibinahagi rin naman ni Monreal na nakikipag-ugnayan na rin sila sa PDEA sa pangambang posibleng samantalahin ng ilang drug syndicate ang holiday season.