BOC naglunsad ng online system para sa pagbayad ng buwis sa imported products

0
50

Naglunsad ang BOC o Bureau of Customs ng online system para sa pag-bayad ng buwis ng mga imported products.

Batay sa inilabas na ulat ng BOC, ito ay upang maiwasan ang kotongan at technical smuggling sa mga pantalan at sa mismong hanay ng Customs.

Layunin rin naman ng tinatawag ng ‘Web-Based National Value Verification System’ na ipakita ang tamang halaga o value ng buwis na babayaran para sa isang partikular na commodity.

Ang nasabing bagong sistema ay bilang pagsunod ng BOC sa Republic Act No. 10863 na kilala rin bilang ‘Customs Modernization and Tariff Act’.