Naitalang landslide dahil sa mga pag-ulan umabot na sa 42

0
60

Suspendido ang trekking at hiking activities sa ilang bundok sa Benguet dahil sa madulas na daan dulot ng Bagyong Josie.

Kabilang dito ang Mt. Pulag at Mt. Purgatory sa bayan ng Bokod gayundin naman sa Mt. Ulap Eco Trail at Mt. Pigingan sa bayan ng Itogon na pawang nasa lalawigan ng Benguet.

Sa kabuuan, nakapagtala ang NDRRMC o National Capital Region Police Office ng 42 insidente ng landslide sa mga rehiyon ng Ilocos, Gitnang Luzon, Katimugang Luzon, Mimaropa, Negros Occidental at Cordillera Administrative Region.

Habang aabot naman sa 30 road sections at apat na tulay sa regions 1, 3, 6 at CAR ang nalubog sa tubig baha na sanhi ng mga pag-ulan.

Pitong lungsod at bayan naman sa mga rehiyon ng Ilocos, Gitna at Katimugang Luzon gayundin sa Cordillera Administrative Region ang isinailalim na sa state of calamity.

Kasalukuyan nang nakataas ang red alert status ng NDRRMC na ang ibig sabihin ay nakaposisyon na ang mga ayudang ipamamahagi ng national government sa mga apektado ng bagyo.