26.5 C
Manila
Wednesday, February 21, 2024

Mga pro-Duterte admin magsasagawa ng demonstrasyon sa ikatlong SONA ni Pangulong Duterte

- Advertisement -

Maliban sa mga grupo ng oposisyon, asahan nang magsasagawa rin ng demonstrasyon ang mga pro-admin sa ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa Complex, bukas, Araw ng Lunes.

Ayon kay House Secretary General Atty. Cesar Pareja, patuloy ngayong nakikipag-ugnayan ang mga security officials ng House of Representatives sa mga otoridad upang matiyak na maiiwasan ang anumang posibleng pagsiklab ng hidwaan mula sa magkabilang panig.

Pahayag ni Pareja, kailangang masusing mabantayan ng mga pulis at militar ang mga magra-rally bukas mula sa pro at anti-admin para masigurong magiging maayos at mapayapa ang kanilang mga isasagawang aktibidad.

Simula pa noong Biyernes, naka-lockdown na ang Batasang Pambansa Complex matapos ipatupad ang maximum security sa lugar, tatlong araw bago ang SONA ni Pangulong Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -