28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Naitalang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa umabot na sa mahigit 1,500

- Advertisement -

Nasa 128 ang bilang ng panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Batay sa pinaka huling tala ng Department of Health (DOH), sumampa na sa 1,546 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, nasa 419 dito ang may edad na 65 taong gulang pataas, nasa 358 ang may edad na 55 hanggang 64 na taong gulang.

Batay sa datos ng DOH, 62. 9% ng kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas  ay mga kalalakihan, habang nasa 37. 1% naman ang mga kababaihan.

Sa ngayon nasa 78 na ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 habang nasa 42 na naman ang bilang ng pasyenteng nakarekober sa virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -