27 panibagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City naitala

0
10

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City.

Batay sa pinakahuling tala ng Quezon City Health Department, pumalo na sa 140 ang kabuuang bilang ng positibo sa virus sa lungsod.

Ito ay matapos na makapagtala kahapon ng 27 panibagong kaso.

Umakyat naman sa 26 ang naitalang nasawi, habang 10 naman ang bilang ng naka-rekober sa sakit.

Pinaka maraming naitalang positibo ay mula sa barangay Matandang Balara at Teachers Village West.

Dahil dito mahigpit na ipapatupad ang extreme enhanced community quarantine sa dalawang barangay.