(Nagpadala ng mga armas, bala at military-grade tech) CHINESE ILLEGAL IMMIGRANT NA SPY NG NORTH KOREA ARESTADO

0
404

NAGWAKAS ang pagiging espiya ng North Korea na 41-anyos na Chinese illegal immigrant matapos itong masakote sa kanyang bahay sa Ontario, California, USA ng mga tauhan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) noong Nobyembre 26 na lihim na nagpapadala ng milyong halaga ng mga armas, ammunitions at military-grade tech sa North Korea.

Nahaharap sa kasong paglabag sa International Emergency Economic Power Act na may parusang 20 taong pagkakulong ang suspek na si Shenghua Wen na nakapasok sa Amerika noong 2012 bilang student visa at nag-overstayed hanggang sa ito ay masakote.

Ayon sa mga ulat ng news agency na nakalap sa US Attorney’s Office, si Wen ay nagsimulang makipag-ugnayan sa mga opisyal ng North Korean kaugnay sa pagpapadala ng milyong ha­laga ng dolyares para sa mga armas, ammunitions at iba pang gamit militar kung saan bibigyan siya ng reward na US$ 2 milyon kada shipping.

Napag-alaman pa sa US Attorney’s Office na si Wen ay ginamit ang Texas-based company para nakabili ng firearms at ammunitions kung saan palihim na pinadala sa North Korea gamit ang mislabeled containers na “refri­gerator” at isa pang containers na may labeled na “camera parts” via Long Beach at Hong Kong noong 2023.

At dito na sinalakay ng mga tauhan ng federal agents ang bahay ni Wen sa nasabing lugar kung saan nadiskubre ang mga ebidensya sa ginamit na devices tulad ng laptop, cellphone na nakasaad ang plano na may 50K rounds of ammunitions at pagbili ng civilian plane engine para sa North Korean military drones.

“The conduct alleged in this complaint is chilling,” one of our foreign adversa­ries, North Korea, was running an operative in our country and using that operative to obtain high-grade technology and military equipment including firearms and ammunition.”  pahayag ni US Attorney Martin Estrada.

Kabilang pa sa kasong kinakaharap ni Wen ay ang secretly ship weapons, ammunition and military-grade tech na nagkakahalaga ng milyong dolyares kung saan ito ay naka-schedule na humarap sa hukuman sa susunod na linggo habang isinasailalim pa ang suspek sa malalimang imbestigasyon ng FBI.

MHAR BASCO

Leave a Reply