Baguio City – Ito ang inihayag ng Northern Luzon Command (NOLCOM) Armed Forces of the Philippines sa pagsasagawa ng Senior Leaders’ Meeting sa Headquarters PMA, Fort Del Pilar noong Araw ng Miercules dito sa lungsod ng Baguio.
Ito ay sa pangunguna ni NOLCOM Commander, LTGen Fernyl Buca. Anya, ang pagpupulong ay ginawa upang magplano at bumuo ng isang komprehensibong territorial defense plan upang pangalagaan ang hiligang Luzon.
Binigyan diin ni Buca ang kritikal papel ng pagpupulong upang tiyakin ang epektibong pagtatanggol ng hiligang Luzon sa pamamagitan ng pinag-ugnay na pagsisikap at ang estratehikong pagpaplano.
Ito ay dinaluhan ng mga Joint Task Forces and Joint Task Groups Commanders, Joint Special Operations Task Force Trident commander, at ng Regiment Commander of Light Reaction Regiment.
Nanawagan ang Regional Law Enforcement Coordinating Committee – ang Task Force kontra panloloko sa pamumuhunan na mag ingat ang publiko sa mga mapanlinlang na paraan ng masasamang loob. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)
(Source: NAPOLCOM CAR)
