Naga City, Iriga City At Ang 9 Pang Mga Bayan Sa Camarines Sur Nasa High Risk Classification Ng DOH Bicol Dahil Sa Patuloy Na Naitatalang Mataas Na Kaso Ng COVID-19

0
106

Iriga City – Inilagay sa high risk classification ng DOH Bicol ang lungsod ng Naga at Iriga dahil sa tuluy -tuloy na pag akyat ng mga kaso ng Corona Virus Disease sa dalawang lungsod.

Batay sa talaan ng Department of Health Bicol sa loob ng dalawang linggo mula April 12 hanggang April 25 ang Naga City ay may 72% growth rate dahil sa 239 active cases nito at ang Iriga naman ay may 217% na growth rate dahil sa 57 active cases na siyang pinakamataas sa mga bayan dito sa lalawigan.

Bukod sa naturang dalawang lungsod napabilang din sa high risk ay ang siyam na bayan na marami ring naitalang kaso, ang mga ito ay ang Baao, Buhi, Lagonoy, Libmanan, Magarao, Milaor, Pamplona, Presentacion at Sipocot.

Mismong si DOH Asst. Regional Director John Ferchito Avelino naglabas ng datus na ini sa ginawang pag meeting ng Bicol Inter Agency Task Force On Emerging and Infectious Diseases sa harap ng mga LGU’s.

Ayun naman kay Allen Reondanga chief ng City Events Protocol and Public Information Office o CEPPIO asahan na ng mga taga lungsod ang higit pang paghihigpit tulad ng sa Enhanced Community Quarantine.

(Source: LGU Naga City)

Leave a Reply