Thursday, May 2, 2024

Nadagdagan Pa Ng Tatlo Ang Kabuuang Bilang Ng Mga Probable Cases Sa Bayan Ng Nabua, Camarines Sur Matapos Silang Magpositibo Sa Rapid Diagnostic Test

- Advertisement -

NABUA, CAMARINES SUR – Ayon sa lokal na pamahalaan ng Nabua, umaabot na sa anim ang kabuuang bilang ng mga probable habang 21 naman ang suspect.

Ang anim ay pawang Locally Stranded Individuals na agad dinala sa Municipal Isolation Facility at nakatakdang sumailalim sa RT-PCR Test.

Sa huling tala ng LGU, nasa 212 ang sumasailalim sa 14 day mandatory home quarantine, 79 ang nasa Barangay holding area at 11 naman ang nasa Municipal Isolation Facility.

Samantala, handa na rin daw ang isa pang holding area ng bayan para sa pagdating ng mga PUM o Persons Under Monitoring.

 

(Melvin Barayoga)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img