35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

MWSS pinawi ang pangambang mapababayaan ang mga IPS sakaling maging operational na ang Kaliwa Dam ng Quezon

- Advertisement -

Tuluyan nang pinawi ng MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang pangambang mapababayaan ang mga IPS o Indigenous Peoples sakaling maging Operational na ang Kaliwa Dam sa bayn ng Infanta sa probinsiya ng Quezon.

Ayon kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco, ginagawa pa nila ngayon ang diesenyong gagamitin sa operasyon ng Kaliwa Dam, kung saan inaasahang pag-sapi ng Agosto ay makakakuha na sila ng Final Approval para dito.

Kaugnay nito, tiniyak rin naman ni Velasco na kahit makuha nila ang Final Approval sa Kaliwa Dam ay hindi nila itutuly ang proyekto kung maaagrabyado ang mga Ips na nakatira sa palibot ng Kaliwa Dam.

Samantala, sinabi rin naman ni Velasco na makakatulong ang Kaliwa Dam sa supply ng tubig sa Metro Manila, na kumukuha ngayon ng higit siyamnaping porsyento ng Water Allocation sa Angat Dam.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -