27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

MWSS at water concessionaires pinagsusumite ng report ng Pangulo

- Advertisement -

Kinumpirma ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS Administrator Reynaldo Velasco na muling naglabas ng kanyang frustrations ang Pangulong Rodrigo Duterte nang makaharap nila ito sa isang pulong kagabi.

Sinabi ni Velasco na pinagsusumite sila, kasama ang mga water concessionaires ng report bago mag-April 7 kung ano na ang sitwasyon sa supply ng tubig.

Sa ngayon, sinabi ni Velasco na mas mabilis nang gumugulong ang mga proyektong may kaugnayan sa supply ng tubig.

Posible aniya na bago matapos ang Marso ay siyamnapu’t siyam (99) na porsyento na nilang maibalik ang serbisyo ng tubig sa mga lugar na nawalan ng supply nitong mga nakaraang araw.

Samantala, nilinaw ni Velasco na animnapu’t dalawang (62) barangay lamang o sampung (10) porsyento ng kabuuang nasasakupan ng Manila Water sa east zone ang naapektuhan ng kakapusan ng supply ng tubig.

Taliwas aniya ito sa imahe o impression ng marami na nawalan ng tubig ang buong east zone na sakop ng Manila Water.

(Ratsada Balita Interview)

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -