Saturday, May 18, 2024

MWSS administrator hindi mag-aalinlangan magbitiw sa pwesto

- Advertisement -

Hindi umano mag aalinlangan si Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS Administrator Reynaldo Velasco na magbitiw sa kaniyang pwesto.

Ito’y matapos umugong ang hamon sa pagbibitiw sa kaniyang pwesto makaraang mangyari ang kakapusan sa suplay ng tubig sa ilang lugar sa Metro Manila at Rizal.

Ayon kay Velasco, handa niyang bakantehin ang kaniyang posisyon kung hindi na niya kayanin ang kaniyang trabaho.

Una rito, binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang sa April 7 ang mga opisyal ng Manila Water Co., Maynilad at MWSS para isumite ang kanilang ulat sa kung ano ang nangyari at nagkaroon ng kakapusan sa water supply.


Konstruksyon ng Laiban dam sa Rizal malabong matuloy

Malabo nang matuloy ang plano ng gobyerno na pagpapatayo ng Laiban Dam Sa Tanay, Rizal.

Ito ang inihayag ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS Administrator Reynaldo Velasco sa press briefing sa Malakanyang sa harap ng mainit na usapin sa krisis at suplay ng tubig sa Metro Manila.

Ayon kay Velasco, nakitaan nila ng ilang problema ang planong Laiban dam.

Ilan aniya riot ay ang relokasyon ng mga maaapektuhang residente sa tanay na aabot sa 4,800 na pamilya.

Sinabi ni Velasco na masyadong maraming pamilya ang masasagasaan sa kanilang pinupuntiryang lugar kaya’t binura na aniya ito sa mga nakalinyang proyekto.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -