Jinggoy at Napoles pinayagang maghain ng ‘demurrer to evidence’ sa kasong plunder

0
49

Mapapabilis na ang pagbaba ng desisyon sa kasong plunder laban kay dating Senador Jinggoy Estrada at tinaguriang pork barrel queen Janet Lim Napoles.

Ito’y matapos payagan ng Sandiganbayan 5th Division sina Estrada at Napoles na maghain ng motion for leave to file demurrer to evidence.

Ito ang mosyon para kuwestyunin kung sapat ang mga ebidensyang nailatag ng prosecution laban sa kanila.

Sampung araw ang ibinigay ng Sandiganbayan kina Estrada at Napoles para maghain ng demurrer to evidence at sampung araw rin para sagutin ito ng prosecution.

Pagkatapos ng prosesong ito ay posibleng desisyunan na ng Sandiganbayan 5th division ang kaso.

—-