Monday, May 6, 2024

Muling pagpapatupad ng price freeze ng DTI sa mga pangunahing bilihin iminungkahi

- Advertisement -

Inirekomenda ni Senadora Imee Marcos sa Department of Trade and Industry (DTI) na muling magpatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin.

Ito ay kasunod ng muling pagsasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ng National Capital Region (NCR) at iba pang karatig na lugar.

Paliwanag ni Marcos, tiyak na sasamantalahin kasi ng mga tiwaling negosyante ang 15 araw na MECQ para itaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Ayon pa sa senadora, dapat na mabantayan ang presyo ng mga manok, baboy, isda, mantika, noodles, bigas, de latang sardinas, tinapay at iba pang produkto na kalamitang binibili ng mga mahihirap.

Samantala, umaasa naman si Marcos na muling magpapatupad ang DTI ng price freeze gayung mayorya sa mga Pilipino ang naghihirap na dahil sa pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img