Tuesday, May 7, 2024

Morales dapat panagutin sa mga anomalya sa PhilHealth —Atienza

- Advertisement -

Iginiit ni Buhay party-list Representative Lito Atienza na dapat panagutin sa mga anomalya sa PhilHealth si PhilHealth President at CEO Ricardo Morales.

Reaksyon ito ni Atienza sa pahayag ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na walang nakitang matibay na ebidensya laban kay Morales na tulad ng nakita nilang ebidensya sa 36 pang PhilHealth officials na kanilang ipinasisibak at pinakakasuhan.

Ayon kay Atienza, ang mga nabunyag na katiwalian sa PhilHealth ay bunga ng kapabayaan at pagiging ineffective ng leadership ng ahensya.

When you are the one in-charged, you are responsible for whatever happens to your agency. Unless they follow the theory, basic theory of management, good management, walang mangyayari sa ating pagsisikap, dahil lahat ay nakakapagtago sa lack of evidence, therefore, hindi sila mapaparusahan. ‘Pag may nangyari sa inyong unit, mananagot ka kung ikaw ang hepe. Whether you are part of those who got part of the money or not, the mere fact na nagkanakawan sa ahensya mo, mananagot ka dapat,” ani Atienza. —sa panayam ng Ratsada Balita


Umapela si Buhay party-list Representative Lito Atienza kay House Speaker Alan Peter Cayetano na magbakasyon na lamang muna ang kongreso pagkatapos na maipasa ang mga kailangang batas para tugunan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Atienza, dapat ipaubaya na lamang ng kamara sa senado ang imbestigasyon sa mga anomalya sa PhilHealth dahil mas independent ang mga senador kumpara sa mga kampihan sa kamara.

Ang mga nakalinya anyang talakayin sa kamara ay ang parusang kamatayan at ang charter change na parehong divisive.

Binigyang diin ni Atienza na ang kailangan ngayon ng bansa ay pagkakaisa upang labanan ang pandemya.

Ang kailangan nating direksyonan, ngayon magkaisa tayo bilang isang bansa to fight the COVID, to save lives, not kill people. Kailangan ngayon kung papaano natin maililigtas ang ating mga kababayan from the problem of the virus at ‘yung mga namamatay. Hindi po ‘yung death penalty ang solusyon d’yan, kaya I hope, if Speaker listens to my appeal, magbakasyon muna kami, wala namang masama, e,” ani Atienza. —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img