Molecular laboratory ng Marikina City bubuksan din sa ibang mga lugar

0
29

Bubuksan ng Marikina City sa ibang mga lugar ang kanilang molecular laboratory sa sandaling maging operational ito.

Ayon kay Mayor Marcelino Teodoro, maliban sa mga bayan o syudad na katabi ng Marikina nakikipag-tie up na rin sila sa mga ospital na mangangailangan ng molecular lab.

Marami na rin anya ang nagboboluntaryong tumulong sa kanila upang mapabilis ang pag-set up ng laboratoryo sa bago nitong lokasyon tulad ng Ateneo at University of the Philippines.

Maliban pa aniya ito sa mga pathologists na gustong makibahagi sa operasyon sa sandaling mabuksan na ang molecular lab na para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Tiniyak ni Teodoro na sinusundan nila ang disenyo na gusto ng Department of Health (DOH) para sa laboratoryo at target nilang matapos ang konstruksyon ng gusali sa loob ng dalawang linggo.

Ang bagong lokasyon aniya ng molecular lab ay ang gusaling nakalaan sana para sa kanilang super health center na nasa isang parke na walang katabing gusali at malayo sa mga kabahayan.