36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Mga truck na may mga dalang pagkain kailangan pa ring dumaan sa checkpoint —Eleazar

- Advertisement -

Idinepensa ng joint taskforce COVID-19 shield ang patuloy na pagdaan ng kargamento ng pagkain sa mga checkpoints.

Ayon kay Lt. General Guillermo Eleazar, hepe ng taskforce, bagamat may kautusan na kailangang mabilis na nakakaraan ang kargamento ng mga pagkain kelangan pa rin namang sumalang sa thermal scanner ang mga tao na sakay ng cargo.

Minimum requirement aniya tulad ng ID at cargo manifest ang kanilang hinihingi kaya’t mabilis lamang naman ang proseso.

Mayroong mga cargo trucks nga  na doon ngayon, nagsasakay sila ng mga unauthorized persons, so, ‘yung mga naglockdown na perso gusto lang umuwi, nakikisakay sa kanila, kaya’t chine-check na rin natin ‘yan. Dahil kung ‘yang mga ‘yan ay carrier ng virus –which is ‘yun ‘yung iniiwasan natin, e, ‘di pinalampas na rin natin ‘yan. And we are defeating the purpose, nagsasakripisyo na nga rin tayo, e, properly na natin ang pagsasagawan natin, para naman ang objective na gusto nating mangayri ma-attain natin,” ani Eleazar.

Ayon kay Eleazar, kung may mga cargos man na nahihirapang dumaan sa checkpoints ito ay yung mga checkpoints na itinatag ng local government units lalo na sa mga barangay.

Ang iniiwasan natin ditoy ay magkaroon ng wide-spread na kagutuman, ‘yun ang mahirap kasi mas malaking problema ‘yon kaysa rito, magdudulot ‘yon ng kaguluhan,” ani Eleazar. —sa panayam ng DWIZ

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -