MOA ang AFP at Dito Telco pinabubusisi ni Hontiveros

0
13

Pina-bubusisi ni Senator Risa Hontiveros sa senado ang kasunduan sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Dito Telecommunity.

Ito ay matapos aminin ni Defencse Sec. Delfin Lorenzana na wala siyang alam sa kasunduan ng AFP at ng naturang Chinese Telecommunications company kung saan nakatakda itong magtayo Telco facilities sa loob ng military bases sa bansa.

Dahil dito, inihain ni Hontiveros ang Senate Resolution Number 137 upang siyasatin ng senado ang naturang isyu.

Aniya, posible kasing gamitin ito ng China upang mang-espiya at maging banta ito sa seguridad ng bansa.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Senator Francis Pangilinan na may dalawang (2) batas ang China na nagsasabing may obligasyon ang kanilang mga korporasyon sa pagkalap ng Intelligence information.

Matatandaang, una nang nagpahayag ng pangamba sina Lorenzana at National Security Adviser Hermogenes Esperon sa pambansang seguridad dahil sa mga hakabangin ng China.