DILG nagbabala sa mga opisyal ng SK hinggil sa maling paggamit ng project funds

0
28

Binalaan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) ukol sa maling paggamit ng pondo para sa mga proyekto.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, maaring simulan ng mga SK officials ang paggamit sa pondo alinsunod sa alituntunin ng inilabas na Joint Memorandum Circular (JMC) noong January 23.

Kabilang sa JMC ang DILG, Department of Budget (DBM) and management at National Youth Commission (NYC).

Paalala ni Malaya, hindi dapat magkaroon ng delay sa pagpapatupad ng mga proyekto para sa interes at kapakanan ng mga kabataan.