31.6 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

MMDA makikipag-usap sa mga may-ari ng mall sa Metro Manila

- Advertisement -

Makikipag-usap ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga may-ari ng mall sa buong Metro Manila.

Ayon kay EDSA traffic Czar ”Bong” Nebrija, hindi lamang ang mga may-ari ng  mall na nakatayo sa EDSA ang kanilang kakausapin, bagkus ay lahat na ng may-ari ng mall na nasa 16 na lungsod ng Metro Manila.

Aniya, layon ng pakikipagpulong na hikayatin ang mga mall owners na i-adjust ang mall hours at gawing weekends ang lahat ng sale.

Inaasahan na aniya ang pagdagsa ng mga tao sa Metro Manila dahil sa Christmas rush kaya kailangan na nilang umaksyon.

Matatandaang noong nakaraang taon ay mga may-ari ng mall na nakatayo sa EDSA lamang ang kanilang pinulong hinggil sa adjustment ng oras ng operasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -