MMDA, magpapadala ng sulat sa mga LGU na apektado ng provincial bus ban

0
74

Nakatakda nang magpadala ng sulat ang MMDA sa mga Local Government Units (LGUs) na apektado nang ipinatutupad na provincial bus ban.

Ayon kay MMDA EDSA Traffic Manager Bong Nebrija, bago matapos ang buwang ito ay magpapadala sila ng sulat sa Pasay at Quezon City governments para kanselahin na ang business permits ng mga terminal sa EDSA.

Sinimulan na ngayong araw na ito ang experimental na pagpapatupad ng provincial bus ban.