MMDA handa na para sa ‘undas’

0
53

Naghahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa paggunita ng undas ngayong taon.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, sinimulan na ng kanilang Task Force Special Operations ang paglilinis sa mga kalsada patungo sa mga sementaryo at memorial parks.

Pinapagana na rin ng Metro Parkway Clearing Group ang paligid ng mga libingan.

Nilinaw naman ni Garcia na bahala na ang mga lokal na pamahalaan sa paglilinis ng mga sementeryo sa kanilang nasasakupan.

Samantala, itinakda naman ng MMDA sa Oktubre 27 ang oplan undas 2018 kung saan nasa 2,000 traffic personnel ang ipapakalat ng ahensya sa mga kritikal na lugar mula umaga hanggang gabi para ayusin ang daloy ng trapiko.